Tuwing buwan ng Agosto, ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika, at tuwing unang linggo ay ang Linggo ng Wika. Matagal na itong kalakaran. Wala naman akong tutol dito. Maganda nga na i-encourage ang mga Filipino na gumamit ng wikang Filipino.
Ang aking lang, bakit limitado ang Buwan ng Wika sa Filipino? Sa Pilipinas, hindi lang Filipino ang wikang gamit. Nandyan ang Bisaya, Ilokano, Pangasinan, Kapampangan, etc… why limit occasion to Filipino? Why not use Buwan ng Wika FOR ALL the languages in the country?
Pwede namang baguhin ang kinaugalian. Oo nga’t Filipino ang pambansang wika natin pero, it doesn’t have to limit us from using our own local languages. Let the Pangasinenses use their own, the Bisaya use their own languages, marami yun! May Waray, Cebuano, Ilonggo, atbp.
Hindi naman natin kailangang baguhin ang title eh, we just need to expand the content and context. Celebrate the Buwan ng Wika in ALL the regions of the Philippines. Dapat i-encourage natin ang mga Filipino na gamitin ang wika para mahasa pa ng husto ang mga gumagamit nito. Saying naman kung mawawala lang ang mga ito dahil sa hindi paggamit ng mga Filipino.
Sana magkaroon tayo ng chance to spread out the languages that we have, and not to suppress them. Sana dumating ang panahon na pag Buwan ng Wika, hindi lang Filipino. Kundi Wika ng Pilipinas.
No comments:
Post a Comment